Lunes, Enero 27, 2014

Nais Ipabatid sa mga Mensahe ng Quotations sa Text Messages

Maraming mahilig magbasa ng quotes. Noon pa man nauso na ito hanggang sa mga buklet lalo na ng lumabas ang cellphones. Nauso na rin ang pagpasa ng mga quotes. Iba't ibang klaseng quotes. May Love quotes, may tungkol sa mga salita ng Diyos, tungkol sa mga kaibigan at iba pa.

Bakit nga ba pati ako eh mahilig magbasa ng quotes?


Simple lang. Nagbibigay aral ito kasi sa akin.

Mga Mabuting maidudulot ng Quotes

  • Nagbibigay inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag-asa

Sa paraang pagbibigay ng mga advice sa mga taong nawawalan ng pag-asang mabuhay, nawawalan ng pag-asang magsimula at maging ang taong nawalan ng pag-asang ipagpatuloy ang nasimulan na.
  • Nagbibigay katuturan

Sa paraang pagbibigay ng mga salitang malalaman mo lang sa quotes na iyan kung anong ibig sabihin nga ba at sa paraang pagbibigay ng impormasyong hango sa mga natapos ng pangyayari. Sabi nga, "nasa huli ang pag-sisi."
  • Nagpapabatid ng katutuhanan

Sa paraang pagbibigay ng mga impormasyon o pangyayaring hango sa mga kadalasang nangyayari sa mga tao at sa mga paligid natin. Kung baga ito 'yong sinasabing "nakaka-relate tayo".
  • Nagbibigay ng kasiyahan

Sa paraang pagbibigay ng mga tekstong may halong komedi at good news para sa atin.
  • Pampadagdag ng kaalaman

Sa paraang pagbibigay ng mga impormasyong hindi pa nalalaman hangga't hindi pa nababasa.

Linggo, Enero 26, 2014

Wait for you 'till You say You "Love me Too"

Ang Paghihintay ay senyales ng tunay na pagmamahal at pagtitiwala.

Bakit???
Kasi kahit sino kayang sabihing Mahal Ka pero hindi lahat kayang ANTAYIN KA...
instead of saying I  LOVE YOU.

Try to say "I Will Wait for you, 'til you say you Love ME Too.

Huwebes, Enero 23, 2014

Sa'yo Napunta

Huwag mong sayangin yong pagmamahal na binibigay sayo ng isang tao.
Kasi swerte ka dahil nagkaroon ka ng bagay na hinahangad ng iba.
Pero hindi nila makuha dahil sayo napunta.
"Huwag sayangin ang mga oras na pwede mong makapiling ang taong mahal mo.
Tandaan: Mahaba ang panahon pero limitado lang ang pagkakataon."